Tuesday, October 27, 2009
Ferdinand Marcelino for Senator!
PANAWAGAN PARA TUMAKBO BILANG SENADOR SI
MAJOR FERDINAND MARCELINO
(Ang Marines sa PDEA na Nanindigan sa Isyu ng Alabang Boys)
Hinahangad natin ang pagbabago sa pulitika sa ating bansa na siyang nagdudulot ng patuloy na pagkakawatak-watak at paghihirap ng higit na nakakaraming mga Pilipino. Ang hangarin nating ito ay matutupad kung makakapaghalal tayo ng mga kandidatong tiyak na magtataguyod ng matapat at mabuting pamamahala.
Kailangan ng Pilipinas ng mga lider na…
• hindi kayang bilhin ang paninindigan ng gaano mang halaga; kayang itaya ang lahat maging ang kanyang sariling kapakanan para sa pagtatanggol sa katotohanan at katarungan;
• nakakadama sa kalagayan ng mga mahihirap dahil siya ay mahirap din;
• ang pagsisilbi sa taong bayan ay lumalampas sa dapat na sa kanya ay asahan; kumikilos at hindi panay salita lamang;
• naninindigan na ang batas ay para sa lahat - walang mayaman o mahirap;
• walang babayarang utang na loob sa iilan kundi ito ay ibabalik sa pamamagitan ng paglilingkod ng buong kagalingan at katapatan sa mga mamamayan;
• may malalim na pag-unawa sa mga problema ng ating bayan at problema ng mga batayang sektor ng ating lipunan; at pinalalakas ang kapasidad ng mga mamamayan na sama-samang humanap ng solusyon
• kabataan na siyang magdadala ng lakas at determinasyon ng mga kabataang Pilipino.
Major Ferdinand Marcelino, nakita namin sa iyong pagkatao ang lider na nagtataglay ng mga nabanggit naming katangian.
Kailangan ka ng Pilipinas bilang Senador sa 2010!
Noong kasagsagan ng tinatawag na Alabang Boys controversy, hinangaan ka namin nang panindigan mo ang paglaban sa droga at katiwalian sa pamahalaan nang hindi mo tanggapin ang 20 milyong piso na suhol para pakawalan ang mga hinihinalang drug pusher mula sa maimpluwensyang mga pamilya (kahit na ang perang iyon ay makakatulong sana para mailigtas ang buhay ng yumao mong kapatid at makapagpaginhawa ng inyong pamumuhay).
Buong tapang mong ibinulgar ang katiwalian sa pamahalaan at hindi ka natinag sa paninindak na ginawa sa iyo kahit sinuman ang masagasaan. Ginawa mo ito sapagkat ito ang “alam mong tama at nararapat gawin” ng sinumang naglilingkod sa pamahalaan. Ginawa mo ito sapagkat naniniwala ka na “kaya nating baguhin ang Pilipinas, mula sa isang ahensya, mula sa isang Pilipino, at ang pagbabago ay magsisimula sa iyong sarili”.
Nagbigay ka ng pag-asa sa panahon na ang mga Pilipino ay tila desperado na sa paghahanap ng mga natitira pang tao sa pamahalaan na mapagkakatiwalaan. Nagdala ka ng panibagong inspirasyon sa mga kabataan na maging buhay sa kanilang kamalayan ang sinabi ni Ninoy Aquino na “The Filipino is Worth Dying For”.
Saludo kami sa pagpupunyagi mong puksain ang droga sa ating bansa. Ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga laboratoryo ng droga sa pangunguna ng PDEA ay malaking dagok sa mga dambuhalang sindikato na nagpapatakbo nito. Ang katapatan at kahusayan mo sa pagganap sa iyong tungkulin at responsibilidad maging sa PDEA o bilang isang Marine Officer ay pinagtibay ng mga pagkilala at pagrespeto na iginawad sa iyo ng mga mahihirap at mayayamang sektor sa ating bayan.
Major Marcelino, naniniwala kaming mas higit ang iyong pagdama sa tunay na kalagayan ng mga mahihirap sapagkat ikaw mismo ay mahirap din. Nananalig kaming hindi nagkakalayo ang ating mga pangarap at adhikain para sa pagbabago ng Pilipinas. Nasa puso at diwa mo ang mga dapat gawin para sa sambayanang Pilipino dahil ikaw ay hindi hiwalay sa aming karanasan. Kailangan namin ng Senador na hindi matatakot tumaya sa panig ng katotohanan at katarungan.
Alam naming wala kang sapat na pondo para lumahok sa halalan. Tutulungan ka ng mga mamamayan na sawa na sa pulitikang umiiral. Ang labis na kahirapan na naranasan natin sa nagdaang mga panahon ay nagbunga rin naman ng oportunidad upang tayong mga Pilipino ay magsuri, magnilay at magpasya na gusto na natin ng pagbabago.
MARCELINO, tumakbo ka bilang Senador sa 2010!
Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA) * Kapatiran ng Malayang Maliliit na Mangingisda sa Pilipinas-Rizal (KAMMMPI-Rizal) * Philippine Councilors’ League-Ilo-Ilo Chapter * Mamamayan para sa Pagpapaunlad at Pagpapanatili ng Lawa ng Laguna (MAPAGPALA) * Integrated Bar of the Philippines (IBP Ilo-Io) Mindanao-Sindaw ko Kalilintad (Alliance of Peace Advocates) * Samahan ng mga Katutubong Agta/Dumagat na Ipinaglalaban at Binabaka ang Lupaing Ninuno (SAGIBIN-LN) * MAPAGPALA-Women * National Movement of Young Legislators (NMYL-Ilo-Ilo) * Tribung Remontado/Dumagat ng Tanay, Rizal * Kapatiran ng Malayang Maliliit na Mangingisda sa Pilipinas-Zamboanga (KAMMMPI-Zamboanga) * * Pasay Estero Informal Settlers Alliance (PEISAL) * Samahan ng Mga Magulang ng mga Batang Manggagawa sa Navotas Fishport, Inc. (SAMABAMAN) * Samahang Pinagbuklod ng Pagkakaisa * Survivors’ R-10 Residents * Market 3 Fishport of Navotas Neighborhood Association * * Kapatiran ng Maralita sa Kamarin * Pagkakaisa ng mga Maralitang Wagas at Ganap ang Adhikain sa Montalban, Inc. (PARAWAGAN) * Nagkakaisang Lakas ng Maralitang Navoteno * Office of the Tribal Governor-Quezon Province * Tongson Village Association * Cory Homeowners’ Association * Region 11 Federation of Homeowners’ Association * Bangsa Bae Mindanaw * Tinig ng Nagkakaisang Lakas ng Kabataan ng Mindanaw (TINALAK-Mindanaw) * Ugnayan ng mga Magsasakang Lakas ng Bagumbayan (UMALAB) * Federation of Isulan Farmers Organizations, Inc. (FIFOI) * Samahan ng mga Katutubo sa Dinggalan na Pinagbuklod para Ipagtanggol ang mga Karapatan at Lupaing Ninuno (SAKADI) * R-10 Alliance * Sentrong Lakas ng Bulacan (Sentro Lakan) * Sentro ng Malayang Isip at Gawa (Sentro MALAYA) * Alliance of Concerned Payatas Residents,Inc. * The Last Boni of SACHS 1989 * Association of Concerned Youth and Students (ACYS) * KAPINA-Taguig * FCNA BGA Compound Sentro ng Mamamayan ng Sta. Maria, Bulacan (Sentro MASA) * Kababaihan para sa Karapatan, Kabuhayan at Kalusugan (K4)-Bulacan * Samahan ng mga Agta sa Casiguran na Binuklod para Ipagtanggol ang Buhay at Lupaing Ninuno (SACBIBI) * AKBAYAN Citizens’ Action Party-District 1, Quezon City * Taguig Coalition Against Dike (TACAD) * Action Group * Phase 1-C Homeowners’ Association, Kasiglahan * RASYC * SARAI * RIBANA * Tribung Remontado/Dumagat ng Montalban * Pinag-isang Samahan ng mga Mangingisda sa Buong Baybay-Laguna Lake (PSMBB) * KABSTI * Pederasyon ng Magsasaka at Mangingisda ng Sta. Cruz (PEDMMASC) * BILHOA * Pinag-isang Pamayanan ng Laguna (PINAGPALA) * Buklod Pag-asa ng Pamayanan ng Navotas * Bagumbayan South Neighborhood Association * UE Knights CL 1997 * UE Knights CL 1998 * Hardheaded Cycling Club * Hagonoy Cycling Club * Parents Teachers Association, HECS * Barasoain Cycling Club * San Sebastian, Hagonoy TODA * Alpha Sigma Phi Beta Chi Chapter * Hagonoy-Malolos Drivers and Operators Association * HEPSTA * Cavite Coalition of Services for Victims of Illegal Drugs (COSVID) * Kapatiran ng Malayang Maliliit na Mangingisda sa Pilipinas-Ilo-ilo (KAMMMPI-Ilo-ilo) * Samahan ng mga Mangingisda ng Tanay (SMT) * Samahan ng mga Mangingisda ng Baras (SMB) * Samahang Maralita ng Puting Bato * Samahang Magkakapitbahay ng Slip-0 * Samahang Magkakapitbahay ng Pier 2 * Samahang Magkakapitbahay ng Pier 4 * Parola Water Association * Tondo Bantay-Bayan Organization * Task Force Anti-Eviction Navotas & Pasay Chapters * Samahang Tubig Maynilad * Pinagkaisang Samahan ng R-10 Mabuhay * Hapiland Homeowners’ Association * Samahang Matiisin, Inc.-Pier 18 * Manila Estero Informal Settlers’ Alliance * Samahang Nayon ng Balintawak * BUKLURAN-QUIAPO * Task Force Anti-ASEZA, Casiguran * Tanay Dancel Fruits and Vegetable Vendors Association * Kapi-kamay sa Bagong Pag-asa, Inc. * Dama de Noche Neighborhood Association * Samahang Magkakapitbahay – Tacloban Excess Neighborhood Association * East Gomez Neighborhood Association * 787 Quezon Avenue Association * Balikatan People’s Alliance Party-List ……ito po ang unang pangkat ng mga samahan sa Pilipinas na ating inilabas na sumusuporta kay Major MARCELINO para kumandidato bilang Senador. Mayroon pang mga susunod kung tayo ay makakakalap nang sapat na pondo para sa susunod na paid ad.
Sa mga organisasyong nais magpalista bilang supporter sa adhikaing ito ay maaring makipag-ugnayan sa MAJOR MARCELINO for SENATOR Network (MMS) o mag-text o tumawag sa 09186869880 / o mag-email sa marcelinosasenado@yahoo.com. Pakilagay lamang po ang mga sumusunod na impormasyon sa inyong message:
1. Pangalan ng Samahan:
2. Address o Lugar:
3. Contact Person:
4. Contact Number:
Para naman mas makilala natin si Major Marcelino pakitingnan po check po ang http://www.youtube.com/watch?v=iaND058Zn94. Paki-add na rin po ang personal account ni Major: marcelinoferdinand@yahoo.com sa inyong friendster, facebook, twitter at iba pang social network. Pakipasa na rin po sa mga kakilala ninyo!
Salamat po!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment